Kim Chiu, ligtas mula sa pamamaril
Mikka Paraiso
March 4, 2020 07:19pm

MANILA, Philippines — Cebuana actress na si Kim Chiu ligtas sa pamamaril sa kanyang sinasakyang kotse bandang 6:15 ng umaga noong Miyerkules sa Quezon City.


Kwento ng artista sa kanyang Instagram post, natutulog siya sa loob ng kotse papunta sakanyang taping nang mangyare ang pamamaril.


“I heard several gun shots, 8 to be exact.” saad ng artista.


Dagdag pa niya, “I don’t have an idea what really happened, mistaken identity? I guess? Napagtripan? This is a bad joke.”


Ayon sa artista, wala naman siyang kaaway o kaatraso.


Sa kabilang banda, tumakas agad ang suspek pagkatapos ng pamamaril.

Leave a comment