Munimuni, isang opm band na nagpapakilig, nagpapalungkot at nagpapasaya sa mga kabataan ngayon. Marami ng mga banda ang nagpaparanas nito sa atin ngunit ang bandang ito ay may sariling istilo upang mapukaw ang ating atensyon. Ang munimuni ay isang banda na naghahatid sa atin sa magandang mundo ng musika. Dinadala tayo nito kahit sa mga pangyayare na hindi naman natin nararanasan. Ngunit dahil sakanilang galing sa paggawa ng kanta, ang munimuni ang nagiging dahilan para makaramdam tayo ng iba’t ibang emosyon sa pamamagitan ng kanilang pag-awit.
Ang bandang munimuni ay binubuo ng limang miyembro. Adj Jiao (guitarist/vocals) TJ de Ocampo (guitarist/vocals) John Owen Castro (flute/vocals) Jolo Ferrer (bassist) at Josh Tumaliuan (drums)
Indie/Alternative ang kanilang genre. Ngunit masasabi mo na iba pa rin ang bandang munimuni dahil ang kanilang mga awitin ay nilalaman ng malalalim na salita, poetic ang kanilang mga ginagamit na lyrics. At dahil dito, nabuo na rin ang bagong genre na tinatawag na makata pop, naging bunga rin ito sa para makilala sila sa ganitong genre. Sa katunayan, ang genre’ng ito ay nilikha dahil sakanilang angking galing. Ayon sakanila, ginagamit nila ang salitang Filipino sa paggawa ng kanta upang mas maka-relate at mas maramdaman ng mga Pilipino ang kwento ng isang awitin. At ito raw ay “rediscovery of the beauty of Filipino poetry”. Bilang isang taga pag-hanga ng OPM, masasabi kong naging epektibo nga ang kanilang paraan sa paggawa ng kanta.


Taong 2017 nang nilabas nila ang kanilang unang album EP “Simula”. Eto ay mayroong anim na kanta at sa album na ito’y napatunayan nilang para sakanila talaga ang makata pop. Naging sikat din ang kanilang kanta na “Sa hindi pag-alala” dahil sa lyrics na “kakalimutan na kita, siguraduhin mong hindi talaga pwedeng tayo”. Ginamit rin itong ost sa isang pelikula. Taong 2019 ng nailabas rin nila ang album na “Kulayan Natin”, dito mas naipakita pa nila ang galing nila sa paggawa ng kanta gamit ang malalalim na salita. Eto ay mayroong labing isang kanta na may iba’t ibang kwento.
Hindi lang ang kanilang talento sa pagkanta ang aking hinahangaan pati na rin sa kung pano nga ba sila gumawa ng kanta at kung paano nila ito kinikwento gamit ang musika. Isa pa rito ay ang istorya ng kanta sa likod ng tono nito. Marami silang inspirasyon tulad ng pag-ibig ngunit ang ‘pag-asa’ ang isa sa malaking rason sa kwento ng kanilang mga awitin. Dahil dito, mas napamahal ang munimuni sa mga tagapakinig at nararapat lamang na sila’y tangkilikin.




